Dahil antagal-tagal mag-umpisa ng bagong teleserye ng GMA7 Destined To Be Yours, inulit ko sa DVD ang unang anniversary offering ng Aldub na Imagine You And Me.
Anyway, noong bago sa sinehan itong romantic comedy na’to, hindi naman ako nakapagsulat at nakapag-post ng kahit anong reaction ko, AS IF they need more! Dahil noong simula pa lang ng July 4 hanggang July 13, 2016, namayagpag na sa Twitter with 7.8 million tweets na IYAM ang topic! Opening day pa lang, ang hashtag na #ALDUBImagineYouAndMe ay humakot na ng ISANG MILYON mahigit na tweets bago magtanghali.
Ngayon, hihimayin ko pa ang palabas, na para bang hindi pa ito ginawa ng Rappler, PEP, Fashion Pulis at Click The City. “Harmless diversion,” sabi ni Oggs Cruz ng Rappler. “Aldub Nation will absolutely love the ending of Imagine You and Me,” ang kay Mari-an Santos ng PEP. Kung ano ang sabi ng iba pang critics? Just Google it, you know…? Basta lahat ng ‘yan nabasa ko na, at kahit katiting, maganda man ang sinabi o pangit, my own opinion about the movie did not get affected.
Imagine You And Me is a masterpiece. Serious and most of the time funny. A mix of tragic and feel-good.
Kung saan ang Shakespeare classic Romeo & Juliet ay iniwan ang mga puso natin na duguan at luray-luray, ay pinulot ng IYAM ang pusong iyon at saka ginamot at kinandili, niyakap, hinagkan at ginawang bago. Ano pa bang trahedya sa libro o sa sinehan ang hindi pa nasulat tungkol sa Romeo & Juliet, wala na yata?
Pero naging genius ang mga writers na sina Aloy Adlawan at Renato Custodio, at director na si Michael Tuviera. That’s why I got curious, sino ba itong mga ito? Ano pa ang mga ibang nalikha nila? Ginalingan kasi nila, eh! Ang mga iba sa ating viewers, basta makanood na lang. Pumasok sa sinehan, maupo, kumain ng popcorn, tumawa, umiyak, kiligin, bumuntung-hininga at mag-post sa Facebook, “Napanood ko na, maganda, maganda…” Inalam mo ba kung sino’ng writer?
Si Aloy Adlawan pala ay isang Chemical Engineer talaga by profession, aha! Akalain mo ‘yun? Pero marami na siyang award bilang isang filmmaker, sa pagsusulat, direksyon, produksyon…at sa mga sikat na pelikula na siya ang nagsulat na nagustuhan ko, nandiyan ang T2 at Condo. If you don’t know these films, again, i-Google nyo na lang. Second place naman sa Palanca Awards for Literature ang screenplay nya na Ang Mga Ibon sa Dapithapon; maybe it is worth looking for this movie kung nakalagpas sa akin at maganda pala ‘to.
Si Renato Custodio on the other hand, ay talagang experienced na sa pagsusulat ng mga serye sa TV gaya ng Wattpad Presents, Endless Love, Darna, at Grazilda. Co-writer din siya sa movie ni Janela Salvador na Haunted Mansion.
Michael Tuviera, o Mike Tuviera. OMG. The honest thing I can say about his works, ay ‘yung Yaya and Angelina (Michael V and Ogie Alcasid) lang na idinirek niya ang talagang tumatak sa akin, naaalala ko na nakalog-kalog ang utak ko nun sa katatawa. No comment ako sa Super Inday (Marian Rivera) niya at sa The Promise (Angel Locsin), baka naman maganda ang direksyon nya pero di magaling ang screenplay at malas lang, nadamay tuloy siya (‘yung writers na lang ang sisihin). Pero ngayon, pagkatapos ng Aldub movie na ’to, panalo na siya! Wala siyang sinayang sa mga resources nya at ang gastos sa pag-shoot ng movie sa napakaromantikong lugar na Como at Verona, bawing-bawi! Grabe, baka dahil sa pelikula ng Pinas na ‘to eh lalong napataas ang tourist attraction at cultural value ng mga lugar na ‘to sa Italy. He also did good service for our beloved Maine Mendoza and Alden Richards, na pagkatapos ng kasikatan nila sa Kalyeserye ay kabang-kaba tayo na SH*T paano kung mag-flop? Paano kung kasing-pangit ng My Bebe Love ang istorya? Paano kung sandamakmak na naman ang mga AD PLACEMENTS? Ang mga bashers nga, ang sabi, laylay na ang Kalyeserye at heto naisipan pang gumawa ng movie. Nagkamali sila, dahil salamat na lang sa henyo ng direksyon at panulat, at lahat ng mga bumuo ng movie hanggang sa magagaling at malalakas ang dating na supporting cast.
Di ko kilala si Jasmine Curtis Smith. O baka naman dahil sa make-up nya na may cancer sya ay di ko sya nakilala agad. Ang engot na ako, kung alam ko lang na siya ‘yun ay baka nahulaan ko na ang twist. Akala ko isa lang siyang magaling na indie movie actress with a minor role. So, dapat sana ganun din ‘yung iba, ‘yung di rin nila kilala si Jasmine, para walang assumption na siya ‘yung missing in action ex-gf dahil uy, kapatid ‘yan ni Anne Curtis mahalaga at may meaning ang role n’yan, di lang basta naisingit siya diyan. So, totoo nga, mahalaga ang role nya, at ginalingan din naman niya.
Aldub. Kawawa naman sila sa My Bebe Love, parang joke lang at pagsasayang ng pagod at naipundar nilang popularity ang movie na ‘yun. Pero mag-move on na lang tayo, dahil nakabawi na naman sa atin ang kaparehong makers ng pelikula dahil sa Imagine You And Me. Pwedeng nakinig sila sa mga critics na tutal gumagastos naman ay dapat pagbutihan na lang nila. Kung sakali ba, may nagawa pa ba silang ikagaganda ng movie na ‘yun? I guess, way back then it was enough na napagbigyan ang gusto ng mga fans na Makita sila sa big screen. But it wasn’t enough para sa mga hindi fans na gumastos din naman sa ticket dahil umasa, nanood, pero nabigo.
Kung madadala nina Alden at Maine ang bittersweet chemistry nila na mayroon sila sa IYAM, sa bago nilang TV series na Destined To Be Yours (let us call it DTBY), then, hindi na mauulit ang disappointment ng MBL (hulaan nyo what MBL is). There are factors that we can consider: hindi na parehong director at writers ng IYAM mayroon ang DTBY. Uhm, at siguro naman hindi na sa Italy ang setting ng istorya, malalaman natin 'yan sa first official trailer na ipapalabas sa February 14, Valentine's Day. Kaya naman talagang nakasalalay na ito sa matitinding aktingan ng mga idols Maine at Alden.
Sino ba kasi ang may sabing hindi magaling umarte si Maine sa IYAM? Napakagaling kaya. Ang tingin ko nga sa kaniya ay French actress na si Audrey Tautou, walang exaggeration. Kung marami tayong nangilid ang luha dahil sa last scenes, then, hindi naman siguro ‘yun mass hysteria lang, ibig sabihin, bumilib talaga tayo sa pagkaka-portray ni Maine sa character.
Ang mukha at dating naman ng acting ni Alden ay magkahalong angelic at melancholic, his portrayal of a guy in torment over a love lost ay believable at sympathy-worthy, never a bit pathetic.
If you categorize this as a review of the movie IYAM, and ultimately find this irrelevant dahil 2016 pa ito naipalabas sa sinehan, then, the reason for this is relevant. Hindi pa naipapalabas sa GMA TV ang IYAM at ang presyo ng DVD ay hindi pa bumababa at laging out of stock sa mga stores, meaning, malamang mayroon pa ring maraming taong hindi nakakapanood. ‘Wag rin muna nilang ilalagay sa bargain ang DVD, dahil pag nag-umpisa na ang DTBY, asahang tataas na naman ang demand para sa DVD.
Ang challenge ko sa'yo, kung basher ka ng Aldub, watch IYAM, and I am sure mag-iipon ka ng pera para makapunta sa Como at Verona, at sa airplane ay babasahin mo ang Romeo & Juliet.
I am excited sa Destined To Be Yours. Watch out what I would have to say about every episode simula sa premiere sa February 27 (sabi ng source ko wala na raw urungan), and maybe also what I would have to say about what others would say. Let’s see… In the meantime, baka sa susunod habang naghihintay tayo ay uusisain muna natin kung sino ba ang writer, o writers, at director o directors ng DTBY.
